Matagal ko na dapat na ipost tong entry nato kaya lang wala lang talaga ako oras. Dapat english tong entry pero malalaman nyo kung bakit tagalog tong entry nato.
Nag simula ang lahat dahil sa pag uusap usap naming mga katrabaho dahil sa sweldo at trabaho. Sabi kasi ng isa kong katrabaho dapat daw mas malaki yung sweldo nya kasi kung tutuusin daw nag downgrade daw sila dahil mula sa international na account eh naging local na account. Siguro pananaw nya yun pero sa tingin ko mas gusto ko yung makipag usap ako sa kapwa ko Pilipino kaysa naman sa saksakan na bobong kano.
Mas masaya ako kasi nga dahil sa local ang account, goodbye night diff na! Ang hirap hirap kaya matulog na tirik na tirik ang araw. Iba pa rin ang ang makatulog sa gabi. Bukod pa run, lagi akong nagkakasakit dahil sa pagtatrabaho ng gabi. Malamang pag tanda ko at lagi parin akong pang gabi, eh magka cancer nako.
Bukod pa roon, makakapag lingkod pa ako sa kapwa ko Pilipino dahil sa totoo lang hindi ko naman pinangarap maging call center agent at buong gabing makipag usap sa mga kano. Napakasakit kasi isipin na nasa Pilipinas ka nga, pero dayuhan ang nagpapasweldo sayo. Hindi nga siya masama pero ang realidad na ang sarili mong bansa hindi ka kayang bigyan ng mas mataas na benepisyo o buhay. At di rin naman ako nangangarap na mangibang bansa dahil iba parin sa kinalakhang bayan. Hindi ko naman sinasabi na kapag dumating yung pagkakataon na pwede ako mag abroad eh tatangihan ko na pero ibig kong sabihin hindi ako itatanggi kung saan ako nanggaling at san ako lumaki. Kahit ano naman ang gawin ko, di ko mababago na Pilipino ako. Kahit may american accent na ako o may green card pa yan.
Kayo? Ano sa tingin nyo?